Cebu at Maynila ang Layo

Mahal,

Hindi man ako ang taong makapagbibigay sayo ng libro na puno ng tula, kaya ko namang ialay ang lahat ng salita makabuo lang ng isa, makita lang na masaya ang iyong mga mata.

Hindi ko man memorya ang astronomiya, pero sigurado akong sa piling ko, magpapasikat ang mga tala sa gabi man o sa umaga malaman mo lang na di ka nagiisa.

Hindi man ako kagalingan sa sipnayan, madalas mo pang pinagkakatuwaan, pero ating ugnayan magpasawalang-hanggan kong ipaglalaban.

Hindi ko man masabayan mga librong nadaanan ng iyong mga mata, tutumbasan ko naman ito ng mga kwentong tatawa kang talaga, walang duda.

Hindi ko man makiliti ang iyong utak sa katalinuhan gaya nila, puso’t kaluluwa naman ang iaalay ng aba hanggang sa huling hininga pa.

Hindi ako sila, pero ang mahalaga akin ka.. wala ng mas hihigit pa ng sinambit mo ang mga salitang “Mahal kita, wala ka ng kawala.”