Putangina

Di ako naglalathala ng damdamin ukol mga panlipunan na usapin.

Oo, may mga pinalalagpas akong pangyayari sa lipunan, halos lahat kung tutuusin. Bilang isang iskolar ng bayan, ipinagmamalaki ko na ako ay bunga ng buwis ng bayan. Kaya naman, marahil ay nagkukulang ako sa pagpapahayag ng saloobin sa mga kaganapan sa lipunan. Ngunit di naman nangangahulugan na wala akong panig sa mga kasalukuyang isyu ng bayan.

Ngayon marahil nayanig ang damdaming makabayan. Inilibing sa sa libingan ng bayani ang isang taong tumatak sa at nagbigay dusa sa lipunan. Si Marcos.

Di ko maipinta kung anong kaisipan mayroon ang aking kababayan. Tingin ko, hati ang bayan sa pangyayaring ito. Mas masakit sa damdamin yaon. Pagpapatunay na tila bulag ang mga tao sa nakaraan. Ni walang aral ang nakaraan na naibahagi sa kasalukuyang lipunan na kinagagalawan ko. Oo, apektado ako. Nasaktan ako. Nangangahulugan na kailangan sagipin ang bayan. Kawawa ang Pilipinas kung di ako maninindigan.

Alam ko na di madali ang tinatawag na pagbabago tungo sa pag-unlad. Ngunit ang di pagkatuto sa sariling pagkakamali ng bayan ay isang senyales na ubod ng layo pa ng gugulin ng bayan ko upang umunlad. Gusto kong sisihin ang sistema ng edukasyon. Ano na nga ba ang impormasyon na sinasalin ng mas nakakatandang henerasyon sa mga kabataan? May pagkukulang ba sa edukasyon? Sa panahon na umuusbong ang teknolohiya, kulang pa ba ang impormasyon na makakalap? Kulang lang ba sa pagsasaliksik at pag-unawa ang mga kabataan ngayon?  Di ko alam ang kasagutan. Nakakalungkot ang kasalukuyang estado ng bansa. Sana’y mamulat ang karamihan, para sa mga bayani, para sa mga nagbuwis ng buhay at pinagkaitan ng kalayaan, para mga naiwan na pamilya ng mga lumaban para sa bayan, para sa mga nanindigan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s