2015 express

Time to reflect and review what happened in 2015

  • January – Birthday month!
    • Solo trip at Bolinap
    • Mt. Pulag
  • February
    • Buntot-palos
    • Chinese new year rejection 😦
    • Pico/layag
  • March
    • Run at Tayak Hill
    • Incubus
  • April
    • Mostly you 😦
    • Ultimate date – Pinto museum, SF gig, indie movie, pinkberry
    • DC run
    • BMC
  • May
    • Marinduque/Mindoro
    • Open Air Cinema
    • Demi Lovato
  • June
    • Jam/Guia Nagcarlan
    • Daraitan
    • Iloilo/Antique/Guimaras
  • July
    • Mt Pico
    • Mt. Gola/Manalmon
    • Casa Miranda
    • Tatay 😦
  • August
    • Lucban w/fam
    • Lucban Chillax farm day
    • Cinemalaya
  • September
    • Corregidor
    • Ugo
    • In-transit
  • October
    • Mt. Mabilog
    • Ugong
  • November
    • Surigao/Butuan/Siargao
    • Mt. GB
    • SoFar
  • December
    • Wedding
    • Sofar Festival
    • Venice Piazza

 

Ang daming ganap! Lahat ng bagay na nais ko, tingin ko naman nagagawa ko na. Mag-isa man o may kasama, basta ginusto ko at may sapat na panggugol, natutuloy.

Sa mundo ng musika, mapalad akong nakadalo sa mga taimtim na mundo ng SoFar. Nakadalo din ako ng UGONG kung saan nagtalik ang musika at tula. Isa sa mga kakaibang karanasan para sa akin ngayon taon. Ang tula ay binibigkas habang pinapaintig ng musika ang damdamin na saliw ng tula. Ang husay ng mga nagsipaglahok sa UGONG. Di ko malilimutan si Reese at Louise. Napukaw nila ang atensyon ko sa husay ng pagkakalapat ng letra sa tula at ng pagsayaw ng musika sa isang piyesa ukol sa pag-iibigan na nauwi sa kasiraan ng umiibig.

Sa SoFarMNL naman, andiyan ang mga musikerong tagos sa kaluluwa ang mga awitin at kakaibang lokasyon ng mga gigs. Dito ako namulat sa musika nila Bullet Dumas, Paolo Arciga, Moonwlk, Niki Colet, April Hernandez, at madami pang iba. Mula sa mga kabataan na naglalayon na ibalik ang pagpapahalaga sa musika sa pamamagitan ng pakikinig, nabuo ang SoFar. Ito ay isang boluntayong organisasyon na nagtitipon sa musikero at mga tagapakinig para isulong ang pagmamahal sa musika. Taas kamao sa mga kabataang ito. Nawa’y maibahagi sa buong mundo ang kanilang talento.

Andiyan din ang konsyerto ng mga kilalang banda/manmg-aawit sa buong mundo gaya ng incubus at si Demi Lovato. Salamat sa libreng ticket!

Sa isang banda, sa mundo ng pelikula. Masasabi kong ang daming mga kakaibang atake ang nakita ko ngayon sa pelikula. Nakakalungkot lamang at di gaanong makinang ang Cinemalaya ngayong taon. Matamlay ito at tila ba kakaunti ang mga entries. Pero may mga kuminang din naman na pelikula na lihis man ang tema sa mga ‘uso’ o mediocre na genre. Andiyan ang Heneral Luna, Honor Thy Father, at Above the Clouds. Ilan lamang sa mga tingin ko ay nag-stand out ngayong 2015. Ngayong taon ko din ako nagkaroon ng pagkakataon na panuodin ang Alagwa at sixth degree of separation from Lilia Cuntapay. Mahusay ang mga daloy ng kwento at elemento ng mga pelikulang ito.

Sa bundok naman, may mga naulit akong akyatin at may mga bago akong tinahak. Pinakatumatak ang akyat ko sa Ugo. Dito nasubok ang tibay ng katawan at isipan ko. Pero napatunayan ko na ang positibong pag-iisip ay mas makapangyarihan sa katawang nais sumuko.

Sa paglibot ko sa Pilipinas, di pa din nawawala ang aking pagmangha sa natural nitong ganda.

Umibig, nabigo, nagluksa, umiyak, nalasing, sumisid, umahon, nahulog, nasaktan, naaksidente, naghilom. Magulo man ang 2015, tiyak na tuloy pa din ang paglilibot at pagtuklas ko sa 2016.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s