“BYE” THE WAY

Paalam sa museyo’t dapithapon
Paalam sa dagat at alon
Paalam sa sigarilyong itinapon
Paalam sa tugtog ng kahapon

Paalam sa ngiting iyong dulot
Paalam sa pagyakap sa aking takot
Paalam sa paghehele sa bangungot
Paalam sa mga lakad na naudlot

Paalam sa pinahalagahan nating “layo”
Paalam sa tahanang ngalan ay “bisig mo”
Paalam sa pinagsaluhang pelikulang wirdo
Paalam sa pagpaparanas ng kinahiligang laro

Paalam sa buwan na ating saksi
Paalam sa nakaw na halik sa pisngi
Paalam sa panahong maiksi
Paalam sa pag-ibig na tingi

Paalam sa pantasyang muling makasama
Paalam sa kahapon at mga alaala
Paalam sa isinulat na kontrata
Paalam sa bukas na kapiling ka

Huling hiling ng iyong aba
Muling basahin ang nilapat na tula
Halinhan ang bawat “paalam” ng “salamat”
Sa wakas, nailahad na ang lahat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s