Tula-la

Ayan ka na naman, nakipagtaguan
Ako’y tumingala’t ika’y pinagmasdan
Mga mata’y iyo pang tinakpan
Sa likod ng ulap, ika’y nasulyapan

Itong aba ay napahanga
Iyo ngang ganda ay iba
Iyo akong napapakalma
Ano ang taglay mong mahika?

Gusto kang abutin
Nais kang suyuin
Ako’y ‘yong napansin
Natunaw sa ‘king tingin

Oh, anong tuwa!
Bawat gabing kasama
Ngitiy nakapinta
Ikaw ang may sala

Miteryong palaisipan,
Tila dilim din ay kaliwanagan
Ikaw ang nais hantungan
Sana’y pagbigyan ang kahilingan

Itigil natin ang mundo
Magsama na tayo
Ngunit bigla kang lumayo
Isang iglap, ikaw ay sumuko.

Bakit di na kita mahagilap?
Tulad mo ay kay ilap
Mabuti pa ang mga ulap
Nakuha ka pang mayakap.

Bakit dama pa din ang sakit?
Nang yakap mo’y ipagkait
Ngunit di magawang magalit
Ngayo’y inuunawang pilit.

Sige na, hayaan na
Ika’y malaya na
Ako na lamang ay titingala
Magmukha man akong tanga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s