xyz’s

Sinusuma mga kadahilan ng iyong pag-iwas
Likot ng utak, nagpupumiglas
Maniwala ka, nais nang kumalas
Ngunit di makabitiw sa pangakong wagas

Ilang araw na nga ba nang ikaw ay nagpasya na ako’y lisanin, iwanan, at bitawan?
Hala, di ko na binilang.
Mahusay ako sa paglutas ng problema,
Ngunit hindi ko magawan ng modelo, solusyon,o pormula
Sa paghahanap ng kasagutan, tila mas madaming tanong ang nagbunga.
Pakiusap pumili ka ng kasagutan, Ihahayag mga haka-haka.

A. Ako’y iyong iniwan, di ka man magpaalam
Ayon sa’yong pananampalataya, ibigin ka’y pagkakasala
Di ko rin naman maatim na iyong talikuran, pinili mong paniniwala
Madamay pa ang relasyon sa pamilya.

B. Harapin ako’y di magawa
Tanong ay bakit nga ba?
Takot ba akong makita?
O baka di nais sadya.

C. O maaring di ka desidido
Ang desisyon malamang magbago
Pag nagkita, lalo pang magulo
Ang ‘yong planong ika’y lumayo

D. Wala ka ngang imik,
Ngunit ako’y di matahimik.
Limang minuto, di maisiksik
Buhay nga nama’y parang lintik.

E. Sa huli, di ko bibitawan
Ano man ang nasa kasunduan
Nais ko pa din panghawakan
Buong-buo, ‘yong paniwalaan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s