LeeRoy

Muli nga naman nahulog
Bigla naman nauntog
Nasira ang tugtog
Asan na ang tibok?

Sundalo’y sumugod
Nakipagsapalaran buong lugod
Pinatumba lahat ng bakod
Makarating lamang sa lingkod

Sundalo pala’y tanga
Sa umpisa’y talo na
Ano nga bang laban sa pananampalataya
Isang palaboy kung saan ang tungo ay wala

Alay na tugtog, saglit na hinawakan
Bandang huli’y di mapanghawakan
Sundalo’y biglang sinukuan
Walang pangakong nakapitan

Pag-asa ay iyo nang natangay
Alay na tugtog ay luray-luray
Pagsugod pala’y walang saysay
Ni walang nasagip na kamay

Sige na. Hayaan na.
Sa akin ay lumaya na
Sa kalayuan babantayan kita.
Manatili kang ligtas ay sapat na.

Pakitanto saan ang linya
Magtitiis umabang sa kabila
Sakaling lumagpas ay di sadya
Pakiusap huwag kang mawawala

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s