Araw ng Intsik

Maangmaangan, tila walang alam
Tapang-tapangan takot natakpan
Baon ang latak na lakas
Nilamon lahat ng bigkas

Di ka nga ba handa?
O di lang nais sadya?
Di kayang masuya
Sunod na tanong ay wala

Dugtong ng mga kwento
Wari’y isang bulto
Panahong lumipas nabura
Tila kahapon lang nagkita

Wala nga nagbago
Tulad ng pangako
Ikaw pa din mithi ko
Di ako nangagago

‘Yong kaligayahan ang hangad
San ka man mapadpad
Tawanan man ang lahat
Ngiti mo nama’y sapat

Di mo man maunawaan
Pero ako nga’y tinamaan
Mamahalin sa kalayuan
Di mo man masuklian

Salamat, iyong napagbigyan
Saglit narating ang kalangitan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s