Kaarawan sa Himlayan

Pitong araw pa ang nalalabi
Tayo’y magkakasamang muli
Lalapit sa ‘yong tabi
Ngunit mayakap ay hindi

Sa panaginip ‘yong dinalaw
Suot ang ngiting nakakasilaw
Iyong galak, nag-uumapaw
Kaibigan, parang di ka pumanaw

Araw-araw mangungulila
Walang mintis ang pag-alaala
Buhay ka sa puso’t diwa
Di ka malilimutang sadya

Handog ko’y isang kampay
Nagdidiwang, lagok ang tagay
Itataas ang aking mga kamay
Alam kong ika’y aking gabay

Maligayang kaarawan, kaibigan
Umaabot sa langit ang kapayapaan
Tumuloy ka sa Kanyang kaharian
Alay ang walang hanggang kasiyahan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s