Nwebe

Muling nagtagpo ang landas
Tutuldukan ang nakalipas
Palaisipa’y bibigyang wakas
Ngayong gabi wala kang takas

Puso’y tila nagtatambol
Ano nga ba magiging hatol?
Masasagip pa ba ang kahapon?
Saan ba tayo hahantong?

Kapalit ng pagsuyo
Matinding delubyo
Patawad ang samo
Sa sugat na natamo

Kapwa tayo nasaktan
Sa takbo ng ating nakaraan
Siyam na taon kong kaligayahan
Di akalaing ‘yong pinagsisihan

Makita ka’y pasakit
Di nais masilayan ulit
Bumabalik lahat ng sakit
Kalimutan mang pilit

Tulay na nagdugtong
Sa abo na ang hantong
Pinto’y nakakandado
Puso ay nagsarado

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s