Malipayon

Pano nga ba simulan?
Kamay aking hawakan
Buntong hininga’y pakawalan
Daga sa dibdib, nilalabanan

Ano nga bang hiwaga
Bawat titik, matalinghaga
Nais ipantay sa yong ganda
Handog na tula ng isang gaga

Tsol, di ako makapaniwala
Sa talino ko’y, natutulala
Malakas nga ang tama
Tinablan ng yong gayuma

Naaala ko noong Disyembre
Pumasyal tayo sa elbi, pre
Mga ideyang nadiskubre
Bigla mo na lamang itinimbre

Enero ang ating kaarawan
Nais kong sanang agdiwang
Mula ako sa Coron, sumaglit tayo sa sinehan
Saktong kasiyahan, sandaling kaligayahan

Landas muling nagtagpo,
Doon sa Pansol, may salu-salo
May ‘sang saglit sa utak dumapo
Balikan natin ang mga tagpo

Binugang usok mula sa sigarilyo
Dahan-dahan tumigil aking mundo
Umuulit bawat segundo sa utak ko
Tingin ko sayo’ biglang nagbago

Di man kasama lagi
Ngiti mo’y laging sumasagi
O bakit nga ba kay landi?
Malimutan yaon ay hindi

Nang nagparamdam ka, ako’y aligaga
Isang hapon habang nagpapakadalubhasa
Minadali mga gawain upang makita ka
Nahuli sa oras ng usapan, pasensya na

Nag-umapaw lalo ang hinala
Ako nga’y nahuhulog, hala!
Nais ka pang makasama sana
Ngunit sa huli’y naduwag at nabakla

Malapit na ang dulo
Baka sumasakit na yong ulo
Pasensya na’t parang gago
Eto na ang aking punto

Kelangan ko ng tulong
Ikaw lang ang solusyon
Di ko tiyak kung aayon
Pagtingin mo sakin ngayon

Isang malaking tandang pananong
Aabangan ang sagot sa takdang panahon
Ako’y lalaya na sa ideyang nakakahon
Ihahayag lamang damdaming naipon

 “tupad nimo, ako malipayon”
Nawa’y tandaan mga katagang yaon 
Di maipaliwanag kung anong rason
Nagagalak ako sa ating sitwasyon

Buong buo kong sasabihin
Ako nga ay may pagtingin
Di nais suklian ang damdamin
Basta’t iyo akong tanggapin

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s