Para Kay Djana

Mga negatibong emosyon
Tila saki’y sasang-ayon,
Sumampal ang isang hamon
‘Bat kinuha agad ngayon

Sa ‘yong tahana’y dumalaw
Dinatnan kang nakahimlay
Sa salamin ay dumungaw
Ika’y walang kibo’t galaw

Patak ng luha’y pinigil
Mga kamay, nanggigil
Lumamig  aking paligid
Sumandal na lang sa gilid

“Isa lang tong panaginip”
Pinipilit nitong isip
O kay saklap, o kay sakit
Sinapit mo ay kay pait

Isa lamang maling hakbang
Lupit ng agos, umabang
Ano ba ang pagkukulang?
Nilamon, abang nilalang

Galit tila namuo
Mundo’y nagulo’t huminto
Bumuhos sandaang tanong
Sa Kanya na lang dumulong

Bakit sa lahat ay siya pa?
Puso’y kay buti’t ‘lang sala
Kakulto’t ‘sang kaibigan
Di na nakapagpaalam

Hiling ay kapayapaan,
‘Yong pagluluksa’y gumaan.
Lahat may kadahilanan,
Di ko man maintindihan

“Paalam” aking nasambit
Sa puso’ y walang kapalit
Buhay sa lupa ma’y saglit
Habang-buhay ka sa langit

Ang aking pasasalamat
Idadaan sa panunulat
Djana, isa kang alamat
O, hanggang sa muli, Patpat

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s